DSWD inilagay na sa ‘blue alert’ status dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Gorio

https://youtu.be/peFMsNDqgI4

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa blue alert na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod na rin ng paglakas ng bagyong Gorio na nagpalakas naman sa habagat at nagdulot ng malakas na pag-ulan sa Luzon at Visayas.

Dahil dito, pinaigting na ng kagawaran ang kanilang mga paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo sa pamamagitan ng pre-positioning ng mga relief good.

Kabilang sa mga inihanda ng DSWD ang mahigit 400,000 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit Php169 milyon.

Nasa mahigit Php 470 milyon naman ang halaga ng non-food items.

Naglaan din ang DSWD ng standby funds na nagkakahalaga ng Php 1.8 milyon, habang nasa mahigit Php1-bilyon naman ang available na quick response fund.

Handa na rin ang mga parent leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program  (4Ps) upang magsilbing force multipliers para sa humanitarian response operations sa buong bansa.