(Eagle News) – Nakahanda na ang ibibigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-ulan dulot ng bagyong Henry at hanging habagat.
Ayon sa ahensya, nakahanda na ang kanilang mga tanggapan sa National Capital Region, Central Luzon at Mimaropa upang umalalay sa mga local government unit (LGU) sa pagbibigay tulong sa mga apektado.
Sa huling ulat ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, 2300 na ang apektado ng habagat sa 13 barangay sa Central Southern Luzon.
Higit 60 pamilya naman ang nanunuluyan na sa mga evacuation center, habang mahigit sa 2000 naman ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.
https://www.youtube.com/watch?v=HMjvkU_BPnE