DSWD umapela sa gobyerno na ipagpatuloy pa ang pagtulong sa sa mga OFW sa Saudi Arabia

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gobyerno na ipagpatuloy pa ang pagkakaloob ng tulong sa daan-daang overseas Filipino workers (OFWs) na stranded pa rin sa Saudi Arabia.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, natutuwa sila na nagiging matagumpay ang mga ginagawang pagtulong ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa mga manggagawang stranded sa Saudi Arabia.

Nangako naman ang DSWD na ipagpapatuloy pa rin ng kanilang kagawaran ang pagtulong sa mga kababayan nating OFW hanggang sa makauwi sila ng Pilipinas.

Matatandaang sumaklolo na ang Philippine Humanitarian Mission sa Saudi Arabia, sa pamumuno ng Department of Foreign Affairs (DFA), DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH) at Technological and Skills Development Administration (TESDA) sa mga OFW na apektado ng krisis.

Courtesy of Jet Hilario