DTI, binigyan ng 2 linggo ang mga manufacturer at trucking services para babaan ang presyo ng bilihin

Hindi pa magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng patuloy na rollback sa mga produktong petrolyo.

Una nang hiniling ng mga manufacturer at trucking services sa Department of Trade and Industry o DTI ang recomputation sa kanilang projected price reduction para sa ilang bilihin.

Pero ayon kay DTI Secretary Adrian Cristobal bibigyan niya ng dalawang linggo ang mga ito para ibaba ang halaga ng bilihin.

Sa pulong ng National Price Coordinating Council, inilahad ng mga trucker at manufacturer na hindi sila magko-commit ng mababang presyo ng bilihin dahil sa matinding problema sa trapiko.

https://youtu.be/v_ilYJiAFdc