DTI Negosyo Center inilunsad sa Kalinga

KALINGA, Apayao — Isinagawa ng Department of Trade and Industry  (DTI) Kalinga ang Launching ng Negosyo Center, nitong Miyerkules, June 22, 2016. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang kinatawan ng mga kooperatiba sa lalawigan ng Kalinga maging ng ibang mga Business Owners.  Inimbitahan din sa nasabing launching ang Media kabilang na ang Eagle News Team at sila ay nabigyan ng pagkakataong makapagtanong.

Ang Negosyo Center ay isang “one-stop-shop” ng mga serbisyong pamahalaan upang mapaunlad ang mga maliliit na negosyante sa bansa, particular na ang pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng Business Registration Assistance, Business Advisory Services at Business Information and Advocacy.

Ayon kay DTI Kalinga Provincial Director Grace Baluyan, layunin ng programang ito na matulungan upang sumulong, umusbong at mangibabaw ang mga maliliit na negosyante. Nagpaabot naman ng pasasalamat si Tabuk City Mayor Ferdinand Tubban sa DTI sa paglulunsad ng ganitong programa. Nagpahayag naman ng suporta si Gng. Gina Madiong, Chamber of Kalinga Producers Incorporated ukol sa mga programang inilulunsad ng DTI.

(Eagle News, JB Sison – Tabuk City, Kalinga Correspondent)

 

Related Post

This website uses cookies.