Duterte: Kayong nasa NAIA, pag may “tanim” pa dyan, lahat kayo alis

Ito ang babala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban sa mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (o NAIA) hinggil sa isyu ng tanim bala.

Banta ni Duterte, sisibakin nya lahat ng empleyado ng NAIA mula sa pinaka pinuno ng paliparan hanggang sa Police Commander na naka istasyon sa paliparan.

Ang nasabing interview ay ginanap isang araw matapos ang eleksyon.

This website uses cookies.