Duterte, pwedeng ma-impeach sa pagtatanggol sa mga pulis na dawit sa Espinosa killing – De Lima

MANILA, Philippines (Eagle News) — Maaari raw maalis sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtatanggol niya sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa at sa kaniyang kapwa inmate.

Ayon kay Sen. Leila De Lima, maari aniyang ma- impeach ang pangulo dahil sa  “betrayal of public trust.”

Responsibilidad aniya ni Duterte bilang Chief Executive na ipatupad ang batas at bahagi aniya nito ang pagpapanagot sa mga mga maysala.

Naniniwala rin si De Lima na may sabwatan sa pagitan  ng mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na responsable sa pagkakapaslang kay albuera leyte mayor rolando espinosa.

Sa panig naman ni Senator Antonio Trillanes, sinabi nitong ang pahayag ng Pangulo ay patunay lamang na siya ang mastermind sa pagpatay sa alakade.

Related Post

This website uses cookies.