MANILA, Philippines (Eagle News) — Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘perfect’ ang kanyang kauna-unahang biyahe sa abroad at pagdalo sa ASEAN Summit. Ginawa ng Pangulong Duterte ang pahayag sa isang ambush interview matapos ang turnover ceremony ng ASEAN chairmanship at closing rites ng regional forum.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na napabilib ni Pangulong Duterte ang mga ASEAN leaders at naiparamdam ang impluwensya, naipakita ang political will at determinasyon.
Ayon kay Abella, maging ang Singaporean Prime Minister ay nagtataka kung papaano nilalabanan ni Pangulong Duterte ang illegal drugs gayung wala naman aniyang death penalty sa Pilipinas.