E.U. patuloy na sinusuportahan ang PHL

(Eagle News) — Tiniyak naman ng European Union na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas. Ayon kay European Union Ambassador Franz Jessen, nakikipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process para sa posible nilang maitutulong sa kapayapaan sa mindanao.

Bukod sa peace talks, sinabi ni Jessen na nakahanda rin silang tumulong sa paglaban sa kahirapan, climate change at sa pagpapaunlad sa kalagayan ng mga kababaihan.

https://youtu.be/rJhhowdsfPI