(Eagle News) — Sa ginawang EBC Fun Run ay naging excited ang mga participant dahil sa dami ng mga nakilahok, tila naging reunion din ang aktibidad lalo na sa magkakapamilya, at magkakaibigan.
Maaga pa lamang ay nagtungo na sa Ciudad De Victoria ang mga participant ng fun run.
Ang programa ay sinimulan ng isang zumba dance para sa mga runner.
Pagkatapos nito sama-samang nagtungo na ang mga nakatakdang tumakbo sa racing tracks.
Nauna ang 9.55k sumunod ang 5.0k, 2.5k at ang huli ang 1.062k.
Sa naging pagtakbo ng karamihan, bakas sa mukha ng participants ang saya.
Nakakaaliw rin tignan ang magpapamilya, magkakabarkada at magkakaibigan na sumali sa fun run.
Bukod sa kanila ay pati ang alagang aso ng participants naki fun run din.
Achievement naman maraming nakilahok na marating ang finish line lalo na sa mga first timer saa pagsali sa ganitong fun run.
Samantala, matapos ang naging pagtakbo ay kasunod naman nito ang concert na ginawa para naman sa mga lumahok sa fun run.
Napaka-importante na may mga ganitong aktibidad na nagiging daan upang magkaroon ng bonding lalo na sa isang pamilya.
Ayon sa pamunuan ng Eagle Broadcasting Corporation, maraming pagkakataon pa anila nilang gagawin ang mga ganitong aktibidad para na din sa kakaibang bonding experience ng marami at para na din sa ikabubuti ng ating kalusugan. (Eagle News Service Earlo Bringas)