Eco-Farming Project ng Iglesia Ni Cristo sa Camarines Norte, nagsagawa ng tree planting activity

PARACLE, Camarines Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng tree planting ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Eco-Farming Project nito sa Brgy. Bakal, Paracale, Camarines Norte noong sabado, Agosto 6. Ang nasabing aktibidad ay bilang pagtugon sa Greening Project ng pamahalaan na pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nilahukan ito ng mga kaanib ng INC mula sa iba’t-ibang lokal ng Camarines Norte na pinangunahan ni District Supervising Minister Bro. Roel O. Castillo. Umabot sa 600 seedlings ng mahogany at 200 seedlings ng kape, 10 niyog, at 50 suhi ng saging.

Ito ay karagdagan sa mga nauna nang naitanim na mga puno ng kape at kalamansi na ngayon ay sinisinop at inaalagaan ng mga Kabihug na nakatira sa nasabing dako na kung saan naroon ang Eco Farming Project ng INC.

Courtesy: Nathaniel Alfonso – Camarines Norte Correspondent

850516441_14589_1000011310380120225