Eco-farming Project ng Iglesia Ni Cristo

Opisyal ng ipinahayag ng kapatid na Glicerio B. Santos Jr., General Auditor ng Iglesia Ni Cristo ang proyekto na eco-farming sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato.

Ayon sa General Auditor, bukod sa eco-farming ay magpapatayo rin ng tatlong libong bahay sa iba’t-ibang komunidad na sakop ng lupain ng tribong B’laan na mayroong 16,000 na ektarya.

Bukod dito ay magtatayo rin ng clinic para sa agarang gamutan kung may nagkakasakit, ganoon na rin ang patubig o water system para malinis ang tubig ang iinumin ng mga mamamayan.

Tiniyak din ni kapatid na Jun Santos na pasisimulan ng Iglesia Ni Cristo ang eco-farming sa Enero 2016.

Dagdag pa niya, magpapatayo rin ng bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa dako ng Danlag Extension na sakop ng lokal ng Topland, distrito ng Cotabato Southeast.

Labis naman ang kasiyahan at pagpapasalamat ng tribong B’laan sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

(Agila Probinsya Correspondent Leo Delica)

Related Post

This website uses cookies.