Sa isang forum na isinagawa sa National Defense College of the Philippines, malaki anila ang maitutulong nito para palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Makatutulong din anila ito sa plano ng administrasyong Duterte na magbukas ng bilateral talks sa China.
Pero para naman kay dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario, dapat aniyang hintayin muna ng administrasyong Duterte ang magiging desisyon ng international Arbitral Tribunal bago simulan ang planong pakikipag-usap sa china dahil hindi na rin naman aniya magtatagal at inaasahan nilang maglalabas na ng desisyon ang tribunal.
Para naman kay Gregory Polling ng Asia Maritime Transparency Initiative – Center For Strategic And International Studies, anuman ang maging desisyon ng Korte, tiyak aniyang hindi nito mababago ang paninindigan ng China na kanila ang South China Sea kaya mahalaga aniya na magkasundo ang maraming bansa para iparating sa China na hindi tama ang kanilang ginagawa.