Education Campaign ng COMELEC dapat palakasin-Malacañang

By Weng Dela Fuente
(Eagle News Service)

MALACAÑANG, Philippines — Sinabi ng Malacañang na kailangang paigtingin ng Commission On Elections ang Education Campaign nito para pawiin ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng dayaan sa darating na eleksyon.

Ginawa ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang apela sa harap ng latest Pulse Asia Survey (PWS) na nagsabing 39 porsyento ng respondents ang duda na magkakaroon ng dayaan sa halalan.

Sabi ni Coloma, taong 2010 pa sinimulan ang automated system sa halalan pero patuloy pa rin aniyang umaasa ang publiko na mas mapapahusay pa ang sistema para protektahan ang integridad ng resulta ng eleksyon sa anumang hinihinalang paraan ng dayaan.

Isa sa sinasabing proteksyon ng botante ang resibo ng makina bilang patunay na binasa nito ang kanilang boto.

Kaya naman iginiit ng senatorial candidate at author ng automated election system na si Richard Gordon na atasan ng Korte Suprema ang COMELEC na ibalik sa sistema ng makina na mag-isyu ng eleksyon.

Sabi ni Coloma ipinauubaya ng palasyo sa Korte Suprema ang pag-aksyon sa isyu lalo pa at independent constitutional body ang COMELEC.  Una na aniyang ipinaliwanag ng COMELEC kung bakit hindi mag-iisyu ng resibo lalo pa at maaari aniya itong gamitin sa vote buying ng mga kandidato.

Related Post

This website uses cookies.