Ekonomiya dapat tutukan ng susunod na administrasyon – Consul General

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kasabay ng nakatakdang pag-upo ni President Elect Rodrigo R. Duterte, nanawagan naman ang Consul General ng Malaysia sa Mindanao na si Abdullah Zawawi Tahir na kailangan tutukan ng mabuti ng administrasyon ni Duterte ang pagpapalago ng ekonomiya sa bansa.

Naniniwala si Tahir na mahalaga ang “eco-zones” para mas maraming investors ang papasok sa bansa at kailangan ng mga ito ang imprastraktura para sa kanilang operasyon.

Dagdag pa ng opisyal na kung nasa rural areas ang mga investor, makapagbibigay ito ng maraming trabaho at madagdagan ang income ng Local Government Units (LGUs) sa bansa at hindi lang ang Manila ang makikinabang.

 

Related Post

This website uses cookies.