Ekonomiya ng PHL ngayong 2018, lalago ng 7.5 % – FMIC, UA&P report

MANILA, Philippines (Eagle News) — Lalago umano ng 7.5 percent ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taong 2018, dahil sa fiscal spending sa imprastraktura.

Ayon ito sa First Metro Investment Corporation at University of Asia and the Pacific.

Paliwanag ni UA & P Economist Victor Abola, ang pangunahing factor sa paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang massive infrastructure spending program.

Plano ng gobyero na gumastos ng P8 trilyon para sa “golden age of infrastructure” sa susunod na anim na taon.

Pangunahin itong popondohan ng mga karagdagang kita mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Related Post

This website uses cookies.