El Niño mararanasan sa huling bahagi ng taon – PAGASA

(Eagle News) — Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad ng pagsisimula ng mahinang El Niño sa huling bahagi ng taon.

Ayon kay Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section Officer-in-Charge Ana Liza Solis, ipinapakita ng mga pinakahuling datos ng World Meteorological Organization ang unti-unting pag-init ng tropical pacific na kalauna’y magdudulot ng posibleng mahinang El Niño sa fourth quarter ng taon.

Inaasahan ng weather bureau ang near average hanggang slightly warmer than average na air temperatures sa mas malaking bahagi ng bansa sa nasabing panahon.

Neutral condition naman anya ang mararanasan mula Hunyo hanggang Agosto.

Inaasahan ang below to near normal rainfall sa maraming bahagi ng Hulyo hanggang Disyembre.

Above normal rains naman ang mararanasan sa susunod na buwan sa western section ng Luzon partikular sa Pampanga, Zambales at mga bahagi ng Ilocos Region.

Related Post

This website uses cookies.