Electoral protest ni Senator Marcos, itutuloy

000_Hkg10215555

(Eagle News) — Inihahanda na ng kampo ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang isasampang “electoral protest” kaugnay ng nangyaring dayaan noong May 9 elections.

Ayon sa kampo ni Marcos, posibleng maisampa ang kaso sa June 27.

Hihilingin aniya nila sa “presidential electoral tribunal” na magkaroon ng recount sa ilang probinsya na hinihinala nilang nagkaroon ng dagdag bawas.

Hindi naman daw dapat isama sa bilang ng boto ang resulta ng eleksyon sa mga lugar na nagkaroon ng dayaan.

Kabilang na rito ang Basilan, Lanao del Sur at Norte kung saan may mga ebidensyang nilagyan na ng shade ang mga balota ilang oras bago ang aktwal na botohan.

May hawak na raw silang ebidensya na nagkaroon ng manipulasyon sa katatapos na eleksyon.

Kabilang na rito ang nakuha  nilang impormasyon na bukod sa main server ng Commission on Election (COMELEC), may isa pang server na ginamit ang smartmatic para dayain ang resulta ng halalan.

Katunayan lang raw dito ginawa nilang “initial tabulation” sa may 1689 presinto kung saan panalo si Congressman Leni Robredo kahit pa itinuturing itong balwarte ni Marcos.

Kapansin-pansin aniya na nangyari ito mula ika-siyam ng gabi hanggang ika-sampu’t kalahati oras  ng gabi ilang segundo lamang pagkatapos na palitan ng taga smartmatic na si Marlon Garcia ang “hash code” sa main server ng COMELEC.

Kanina, hindi naman natuloy  ang “preliminary investigation” ng Manila Prosecutor’s Office sa kasong isinampa ng kampo ni Marcos laban sa smartmatic at mga opisyal ng COMELEC.

Una nang nagsampa ng kaso ang kampo ni Marcos dahil sa umanoy pakikialam ng smartmatic sa hash code sa main server.

Humingi kasi ng sampung araw na palugit ang smartmatic dahil June 1 na raw nila natanggap ang kopya ng reklamo.Dahil dito hihintayin muna ang “counter affidavit” ng smartmati at itutuloy ang preliminary investigation sa June 17.

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Cybercrime law sina Marlon Garcia, Project director ng smartmaric, Elie Moreno, Technical support team members na sina Neil Banigued at Mauricio Herrera.

Nahaharap rin sa kaparehong reklamo ang mga IT experts ng COMELEC na sina Rouie Peñalba, Nelson Herrera at Fracnes Mae Gonzales.

Sakaling mapatunayan, ang mga opisyal ng COMELEC at Smartmatic ay maaring makulong ng anim hanggang labindalawang taon.

 

 

Eagle News Service Meanne Corvera