Emergency Preparedness at First Aid Seminar dinaluhan ng mga miyembro ng SCAN INTL sa Benguet

Isinagawa kahapon sa Laguerta Lepanto Mines Mangkayan, Benguet ang isang seminar para sa Emergency Preparedness at First Aid maging ang seminar ukol sa Safety and Health Care.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng SCAN International sa pangunguna ng SSO ng Iglesia Ni Cristo.

Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng District Minister ng Mountain Province na si Kapatid na Marvin Q. Querubin. Sa seminar na ito ay itinuro at ibinahagi ang kaalaman ukol sa kahandaan para sa mga biglaang kalamidad o sakuna.

Naging kapakipakinabang naman ang seminar na ito para sa mga miyembro ng SCAN International MT. Province Chapter sapagkat isa sila sa pangunahing tumutugon sa oras ng pangangailangan yamang ito ay saklaw ng sinumpaan nilang tungkulin.

(Agila Probinsya Correspondents Erwin Dello, Alejandro Javier)

Related Post

This website uses cookies.