HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng inspeksiyon ng lokal na Pamahalaan ng Hinatuan sa ‘Enchanted River’ sa Surigao del Sur. Bago pa man ito pansamantalang ipasasara sa mga turista ngayong darating na January 9 – February 3.
Sa pagbisita ng lokal na Pamahalaan ay tinalakay nila kung anu-ano ang mga magiging top priority project nila sa lumalaking demand ng mga turista sa lugar.
Ang isa sa mga pinaplanong gawin ng LGU-Hinatuan ay ang pagpapatupad ng booking system upang maiwasan ang pagiging over crowded ng lugar at patuloy na mapanatili ang kagandahan ng ilog.
Hinihikayat nila ang mga turista na pansamantala munang tumigil sa paliligo tuwing sasapit ang 12:00 ng tanghali upang bigyang daan ang regular feeding time ng mga isdang matatagpuan sa ilog at tiyakin na walang basurang maiiwan sa ilog at sa buong paligid nito.
Muling ibabalik ang normal na operasyon ng Enchanted River sa February 4.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, Surigao del Sur