Enrile: President Aquino, interesado lang kay Marwan; ‘Di tinanong ang kalagayan ng kaniyang tropa

President Aquino, lalong nadiin sa Mamasapano operation 

Inakusahan ni Senador Juan Ponce Enrile si Pangulong Benigno S. Aquino III na itinago sa mga opisyal ng pamahalaan ang Oplan Exodus para mahuli ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng senado,  sinabi ni Enrile na malinaw na kinontrol ng Pangulo at ni dating PNP chief Alan Purisima ang sitwasyon.

Iprinisinta ni Enrile ang walong puntos na nagpapakita sa kabiguan ng pangulo sa paghawak  ng Oplan Exodus, ang pumalpak na operasyon para sa pag-neutralize sa teroristang si  Zulkifli Bin Hir  noong  January 25, 2015.

Pero nang malagas na ang buhay ng apatnaput apat na SAF commandos, prinotektahan ang sarili mula sa anumang pananagutan kung saan ginawang pang depensa si dating PNP chief, Alan Purisima.

Enrile: President Aquino, interesado lang kay Marwan; ‘Di tinanong ang kalagayan ng kaniyang tropa

Kung pagbabatayan aniya ang timeline ng nangyaring operasyon, malinaw na, interesado lang ang Pangulo sa bangkay ni  Marwan at hindi sa mga SAF member.