PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Binabatikos ngayon ng mga residente ng Palawan at ilang pribadong sektor ang pagtaas ng entrance fee ng Puerto Princesa Subterranean River National Park. Ito ay dahil umabot na sa halos 105% ang entrance fee kumpara sa dating presyo nito.
Ayon kay PPUR Superintendent Beth Maclang, ang nasabing pagtaas ay nakadepende sa lahat ng kinakailangan ng parke kasama na ang pagmimintena dito. Wala umanong fund na nakukuha galing sa national at tanging entrance fee lang ang inaasahan ng park.
Dagdag pa ni Maclabag na sa kabila ng pagtaas ng entrance fee ay tumaas pa rin ang tourist arrival ng PPUR sa taong 2017. Nakapagtala ito ng 241,181 na mga turista kumpara sa halos 225,000 noong 2016. Ang pagtaas ay suportado din aniya ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa.
(Eagle News Correspondent Rox Montallana)