Environmental group, paiimbestigahan sa Kongreso ang mga reclamation project sa bansa

Fernando Hicap, Pamalakaya chair/ Judith Llamera/Eagle News

Ni Judith Llamera

Eagle News Service

Paiimbestigahan ng isang environmental group sa Kongreso ang mga diumano’y masamang epekto ng reklamasyon, at ang plano ng Philippine Reclamation Authority na magpatawag ng summit sa Abril na may kaugnayan sa pagtatapos ng nalalabing reclamation project sa bansa.

Palaisipan umano kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas chair Fernando Hicap ang pagpapatawag ng summit ng PRA sa ika-24 at ika-25 ng Abril na may kaugnayan sa nga reclamation project na planong tapusin sa 2040.

Ayon kay Hicap, bago umalis sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino III ay mayroong 102 reclamation projects kabilang dito ang 38 reclamation projects sa Manila Bay.

Aniya, mahigit 27000 hektarya ang balak ireclaim.

“Kaya mas malala po ito. Kung matindi ang pagtutol natin doon sa reclamation ng Chinese doon sa Spratlys. Pero yung gobyerno mismo natin, yung ibang ahensya ng gobyerno, siya mismo yung involved doon sa mga reclamation, pangunahin na ang (PRA),” aniya.

Sa kabila nito, nilinaw niya na positibo ang pagtingin nila sa Pangulong Rodrigo Duterte, at suportado nila ang kampanya ni Environment Secretary Gina Lopez laban sa ilegal at mapanirang pagmimina.

Nakatakda ring magsagawa ang naturang grupo ng dayalogo sa Department of Environment and Natural Resources sa susunod na linggo.

 

Related Post

This website uses cookies.