Epekto ng bagyong Gorio, mahigpit na binabantayan 

(Eagle News) — Nakatutok ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa magiging epekto sa bansa ng bagyong Gorio.

Ito’y sa kabila ng abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit patuloy itong maghahatid ng mga pag-ulan sa iba’t-ibang panig ng kapuluan.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, inaalam na nila kung may mga nagsilikas na dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ngunit bago pa man ito, sinabi ni Marasigan na nakipag-ugnayan na sila sa kanilang regional offices upang ipaalala sa mga ito ang gagawin nilang precautionary measures.

https://youtu.be/m_J1XrAldus