Epekto sa ekonomiya ng pagsuspinde sa excise tax rates, ibinabala

(Eagle News) — Tutol ang Action for Economic Reforms (AER) sa mga panawagan na suspendihin ang fuel excise tax rates sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Ayon kay AER Coordinator Filomena Sta. Ana, kapag sinuspinde ang buwis sa langis ay mawawala ang kredibilidad ng tax reform.

Kapag nawala aniya ang kredibilidad ay mawawala rin ang tiwala ng mga investor.

Paliwanag pa ng AER, Hindi rin magiging maganda ang epekto nito sa ekonomiya.

Babagal anila ang ekonomiya at hindi maaabot ang mga target na pagbabago lalo na sa poverty reduction.

https://youtu.be/yG63kmZZBxA