Estados Unidos naglaan ng P200 milyon upang makatulong sa pagsugpo ng child trafficking sa Pilipinas

Justice Secretary Vitaliano Aguirre at US charge d’affaires to the Philippines Michael Klecheski pagkatapos mapirmahan ang kasunduang naglalayong maprotektahan ang mga kabataan laban sa child trafficking. / Eagle News Service /Erwin Temperante/

Ni Erwin Temperante

Eagle News Service

Naglaan ang Estados Unidos ng P200 milyon upang matulungan ang Pilipinas na masugpo ang child online trafficking at child labor trafficking.

Ang paglaan ng P175 milyon para sa  child online trafficking, at P25 milyon sa child labor trafficking ay bahagi ng Child Protection Compact Agreement na nilagdaan ng Estados Unidos at ng Pilipinas ngayong Martes, ika-11 ng Abril.

Ang kasunduang nilagdaan nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at United States Charge d’Affaires to the Philippines Michael Klecheski ang kaunaunahang kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa na may layuning maprotektahan ang mga kabataan laban sa online sex exploitation at child abuse.

Ayon kay Aguirre, mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan sa kasalukuyan dahil darating ang panahong sila naman ang mangunguna o magiging lider ng ating bansa.

 

 

This website uses cookies.