European Union at Spain, nakahandang makipagtulungan kay Duterte

Tiniyak ng European Union ang makikipag tulungan sa nakatakdang pag- upo bilang bagong pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte matapos ang halalan nito lamang Lunes.

Ayon kay European Union Ambassador Franz Jessen, hinihintay na lamang nila ang official announcement kung saan nakatakda nitong ilatag sa bagong pangulo ang agenda sa pagitan ng Pilipinas at EU. Partikular na ang usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Suportado rin ng Spain si Duterte na nangakong palalakasin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Una nang nagpahayag ng pagbati ang US sa pilipinas sa katatapos na halalan at nagpahayag ng pakikipagtulungan sa mahahalal na bagong pangulo ng Pilipinas.

Related Post

This website uses cookies.