EVM Awards Night 2017 ng Iglesia Ni Cristo, matagumpay na naisagawa

(Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng INCinema ang Excellence in Visual Media (EVM) Awards Night 2017 sa Iglesia Ni Cristo Tabernacle, Central noong October 31, 2017.

Sinimulan ang aktibidad sa isang makulay na performances na handog ng mga miyembro ng INC mula sa production company.

Dito ginawaran ng pagkilala ang iba’t-ibang mga distrito ng Iglesia Ni Cristo dahil sa kanilang talento sa paggawa ng pelikula na sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng animation.

Iba’t-ibang uri ng obra na gawa ng mga katangi-tanging mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang ginawaran sa nasabing awards night.

Ang EVM Awards ay ang pagbibigay ng pagkilala sa husay ng mga lumahok sa proyekto ng INCinema, ito ay isang proyektong inilunsad ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Layunin ng INCinema, na patuloy na mai-promote ang Christian Values sa pamamagitan ng mga pelikulang binuo sa pamamagitan ng animation ng mga may talento sa film makers na tiyak na kapupulutan din ng mga aral.

Ito ay isa ding stepping stone para sa mga nagsisimula sa film making gayundin sa pag-aartista upang ma-develop ang kanilang mga angking talento.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng iba’t ibang awards sa iba’t-ibang kategorya dahil sa anila ay naging matagumpay ang kanilang ginawang obra at na-i-showcase pa ang kanilang mga talento.

Iginawad ang aabot sa higit sa walong pagkilala para sa mga miyembro ng INC gayundin ang kani-kanilang mga kinabibilangang distrito.

Wagi naman ang distrito ng Batangas matapos iuwi ang “Best Film” title sa nasabing patimpalak.

Ang nasabing awards night ay kaalinsabay din ng pagdiriwang ng kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

(Eagle News Service, Earlo Bringas)

Related Post

This website uses cookies.