EVM Cup isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa kanlurang bahagi ng Leyte

KANANGA, Leyte (Eagle News) – Isinasagawa ngayong araw, Biyernes, November 4, 2016 ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Kananga Municipal Gymnasium, Kananga, Leyte ang EVM Cup Ministers & CFO Officer Edition.

Ang mga ministro ng ebanghelyo at church workers ay naglalaro ng basketball habang volleyball naman para sa kanilang mga asawa. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Benjamin C. Omelda, District Minister ng Leyte West katuwang si Bro. Herbert Pueda, ministro ng ebanghelyo.

Bakas ang kagalakan ng mga ministro ng INC at ng kanilang mga pamilya sa nasabing aktibidad. Pagkatapos ng unang laro ay sama-sama silang nananghalian sa pamamagitan ng boodle fight. Itinuturing nilang pinaka-bonding ng pamilya ang ganitong aktibidad.

(Dan Pascua – EBC Correspondent, Kananga, Leyte)

Related Post

This website uses cookies.