Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz Laguna ang kanilang proyekto na pinamagatang EVM Cup kung saan ay dinaluhan ito ng mga kaanib sa INC na nasa silangang bahagi ng lalawigan ng Laguna.
Ang EVM cup ay isang paligsahan o palaro na naglalayong lalo pang sumigla sa paglilingkod ang mga kaanib, mabuklod sa pagkakaisa at mapaunlad ang pag-iibigang magkakapatid sa loob ng Iglesia.
Dinaluhan ito ng 25 (dalawampu’t-lima) mga lokal na mula sa ibat-ibang bayan at barangay na sakop ng buong distrito.
Ang naging highlight sa mga palaro na nagdulot ng matinding tuwa at saya sa mga kapatid ay ang isinagawang basketball exhibition game ng mga ministro at manggagawa na talaga namang ala pba ang ending.pagkatapos ng isinagawang awarding ceremony ay sama-samang bumati ang mga kapatid sa pangunguna ng mga ministro at manggagawa sa iglesia para sa kaarawan ng kapanganakan ng kapatid na angelo eraño v. Manalo
Eagle News Correspondent Cheerwin Bautista