Ex-Davao City Police Director, itinalagang unang hepe ng National Anti-Illegal Drug Task Force

DAVAO City (Eagle News) — Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Senior Superintendent Vicente Danao Jr., dating Director ng Davao City Police Office (DCPO), bilang Commander ng National Anti-Illegal Drug Task Force sa ilalim ng bagong nalikhang Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).

Naging opisyal ang pagkaka-appoint sa kanya pagkatapos na mailabas ang kanyang appointment papers nitong nakaraang Miyerkules, Mayo 17, 2017.

Pangunahing naka-atas sa Task Force ang “sustained anti-illegal drug operations” o ang tuluy-tuloy na pagsugpo sa mga illegal drug operations kabalikat ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA).

Batay sa Executive Order No. 15, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso, ang ICAD ay kailangang maisiguro ang epektibong pagpapatupad ng  “anti-illegal drug operations” at pag-aresto ng mga high-value drug personalities, pati na ang mga street-level peddlers at ang mga gumagamit ng droga.

Tinitiyak naman ng pamahalaang lokal ng Davao na ang nasabing Task Force ay isang malaking pwersa na kayang lipulin ang  mga gumagamit ng illegal ng droga. (Eagle News Correspondent Saylan Wens)

Related Post

This website uses cookies.