(Eagle News) — Magpapaulan sa eastern part ng Visayas ang trough o extension ng low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 655 kilometers east northeast ng Guiuan, eastern Samar.
Sinabi ni PAGASA Senior Weather Specialist Cris Perez na ang extension ng nasabing LPA ay nagdudulot na ng maulap na papawirin sa eastern Visayas na makararanas na ng kalat-kalat na pag-ulan.
Maliit naman ang tsansa na maging isang bagyo ang nasabing lpa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Samantala, ang western section ng Luzon ay apektado pa rin ng habagat.
Dahil dito, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas din ng maulap na papawirin ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, magiging maganda naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa.