Patuloy na dinadagsa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang pelikulang “Felix Manalo” sa iba’t-ibang sinehan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at La Union.
Sa kabila ng masungit na panahon ay talaga naman sumugod hindi lamang ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo maging ng mga hindi pa kaanib sa mga sinehan ng nabanggit na mga lugar upang mapanood ang pelikulang talaga namang pinaka inabangan ng lahat.
Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong linggo na ang pagpapalabas sa “Felix Manalo” sa mga sinehan hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
(Eagle News Service Description by MRFB)
Mga manonood, hindi inalintana ang bagyo makapanood lamang ng “Felix Manalo” movie
Kahit pa bumabagyo ay hindi napigil ang mga Caviteño upang kanilang panoorin ang pelikulang “Felix Manalo.” Sa dami ng taong nais makapanood ay maagang binuksan ang mga sinehan sa nasabing lalawigan.
(Agila Probinsya Correspondent Jen Atienza)
“Felix Manalo” movie, dinagsa ng manonood sa La Union
Dahil sa dami ng mga nais makapanood ng “Felix Manalo” the movie, extended ang showing ng pelikula sa La Union.
(Agila Probinsya Correspondent Joshua Guerero)
Second week ng pelikulang “Felix Manalo” biopic patuloy na pinilahan
Kitang-kita pa rin ang dami ng bilang ng mga nais makapanood ng pelikulang “Felix Manalo”. Katunayan nito ay maging ang ilang kilalang personalidad sa lalawigan ng Laguna ay nakipila at nanood rin ng pelikulang “Felix Manalo.”
(Agila Probinsya Correspondent Cheerwin Bautista)