Felix Manalo movie premiere nakatakda sa Oct. 4 sa Philippine Arena

By Rowena dela Fuente

MANILA, Philippines, Agosto 20 (Eagle News) –Maipagmamalaki ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang biopic movie na tumatalakay sa buhay at pamumuhay ni Kapatid na Felix Manalo – ang kinikilalang Sugo ng Diyos sa huling araw ng Iglesia Ni Cristo.

Mapapanood ng publiko sa ika-7 ng OktubrFXM_017e ang pelikulang “Felix Manalo” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo na gumanap sa papel na Ka Felix Manalo, at Bela Padilla sa papel ni Honorata, ang maybahay ni Ka Felix.

Para kay Award-Winning Movie Director Joel Lamangan, hindi maikukumpara ang pelikulang Felix Manalo sa iba pang mga pelikulang nagawa niya lalo’t itinuturing niya ang buong pelikula ay isang malaking hamon.

FXM_04

Sinabi ni Brother Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo, nakabatay sa aktwal na mga pangyayari, lugar at petsa ng lahat ng kaganapan sa pelikula.

Hindi lang aniya tampok sa pelikula ang buhay ni Kapatid na Felix kundi ang mga pinagdaanan at pagtatagumpay ng Iglesia Ni Cristo.

FXM_06

Paglilinaw pa ni Bro. Edwil na walang kinalaman ang timing sa pagpapalabas ng pelikula sa kasalukuyang isyung pinagdaraanan ng Iglesia Ni Cristo.

Ginawa ng Viva Films ang “Felix Manalo” sa pakikipagtulungan ng Iglesia Ni Cristo.

Sa kabuuan, sinabi ni Vincent Del Rosario ng Viva Films na aabot sa 150-milyong piso ang gastos sa produksyon at marketing ng pelikula.

Tatangkilikin aniya ang pelikula dahil sa historical value nito.

Higit sa 90 mahuhusay na artista ang kalahok sa pelikula na tumagal ng 54 na araw na shooting days sa loob ng walong buwan.

Abot naman ang pasasalamat ni Dennis at Bela sa oportunidad na sila ang napiling gumanap sa pinakamaselang papel ng pelikula

FXM_011

Sa October 4 nakatakda ang premiere night ng pelikula na idaraos sa Philippine Arena.

Plano ring magkaroon ng world screening para bigyang pagkakataon ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa buong mundo na mapanood ang makasaysayang pelikula.