Felix Manalo Premiere Night

Felix 2Maaga pa lamang ay gumayak na kami ang aking buong pamilya kasama ang aking mga kapatid at magulang para sa natatanging gabi ng pagpapalabas ng “Felix Manalo” na ginanap sa Philippine Arena. Ito ang unang pagkakataon na nakadalo ako sa ganitong uri ng pagkakatipon, hindi maipaliwanag na kagalakan ang aking nadarama.

Nang pasimulan na ang programa ng gabing iyon kitang-kita sa mga tao ang pinaghalong galak at kasabikan para lamang mapanood ang isang natatanging pelikula, kung saan ipalalabas ang buhay ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ang kauna-unahang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.

Bago maipalabas ang “Felix Manalo” nagkaroon muna ng pagkilala sa mga gumanap na tauhan sa pelikula. Bawat artista na dumadaan sa red carpet ay ipinakilala, at kapag nakikita nila ang kabuuan  ng mga manonood sa Philippine Arena iisa ang kanilang reaksiyon, gulat at kaba dahil sa napakadaming taong naroroon. Hindi mapawing ngiti at luha ng kasiyahan sa mga tauhan ng pelikula ang  iyong makikita.

felix 11

Sa araw ding ito unang ipinakita ang official video ng theme song ng “Felix Manalo” na inawit ni Sarah Geronimo na pinamagatang “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw”. Isang awiting nagpapagunita sa mga dakilang gawa ng  pangunahing tauhan sa pelikula mula ng pasimula na maitatag ang Iglesia Ni Cristo sa bansang Pilipinas. Siya’y nakapanguna ng buong giting at patuloy na nanghawak sa magagawa ng may lumikha at patuloy na kinandili at pinagtagumpay.

Sarah

FelixManaloPremiere00002Dumating ang oras ng aming hinihintay ipinalabas na ang pelikula ng “Felix Manalo”  sa isang napakalaking screen upang mas makita ng lahat ng manonood sa Philippine Arena. Bawat pangyayari na napanood ng gabing iyon ay patuloy na nagpagunita kung gaano ang hirap at pagpapagal ng sinugo upang maitaguyod ang Iglesia Ni Cristo upang maipangaral sa mga tao ang katotohanan na nakasulat sa banal na kasulatan.

 

felix 5Bilang isa sa napakadaming tao nakapanood nito ay nakapagbigay ng napakagandang ala-ala at inspirasyon sa akin ang buhay at mga dakilang gawa ng isang tao na si kapatid na Felix Manalo.

(written by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)