Nang pasimulan na ang programa ng gabing iyon kitang-kita sa mga tao ang pinaghalong galak at kasabikan para lamang mapanood ang isang natatanging pelikula, kung saan ipalalabas ang buhay ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ang kauna-unahang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Bago maipalabas ang “Felix Manalo” nagkaroon muna ng pagkilala sa mga gumanap na tauhan sa pelikula. Bawat artista na dumadaan sa red carpet ay ipinakilala, at kapag nakikita nila ang kabuuan ng mga manonood sa Philippine Arena iisa ang kanilang reaksiyon, gulat at kaba dahil sa napakadaming taong naroroon. Hindi mapawing ngiti at luha ng kasiyahan sa mga tauhan ng pelikula ang iyong makikita.
Sa araw ding ito unang ipinakita ang official video ng theme song ng “Felix Manalo” na inawit ni Sarah Geronimo na pinamagatang “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw”. Isang awiting nagpapagunita sa mga dakilang gawa ng pangunahing tauhan sa pelikula mula ng pasimula na maitatag ang Iglesia Ni Cristo sa bansang Pilipinas. Siya’y nakapanguna ng buong giting at patuloy na nanghawak sa magagawa ng may lumikha at patuloy na kinandili at pinagtagumpay.
(written by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)