Fetus na isinama sa hasang ng mga isda, natagpuan ng isang basurero

Photo courtesy: Real Omblero Sorroche
Photo courtesy: Real Omblero Sorroche

DAVAO CITY (Eagle News) Isang patay na fetus na isinilid sa icebox na nakabalot pa ng plastic. Ang nasabing fetus ay inihalo sa mga hasang at lamang loob ng isda sa loob ng icebox. Nakita ito noong Miyerkules, November 23, 2016, pasado 5:00 ng umaga sa New Carmen, Sanitary Landfill, Tugbok District, Davao City.

Ayon kay Ronald Candido, isang basurero at nakakita sa nasabing icebox, naghahanap umano siya ng recycled materials ng makita niya ang icebox na may lamang patay na batang lalake. Tinatayang nasa walong buwan na ang bata at agad naman niya itong ipinaalam sa awtoridad.

Agad namang rumesponde ang Tugbok PNP at inaalam na kung sino ang iresponsableng ina na may kagagawan nito. Dinala naman agad ang fetus sa morgue ng isang Funeral Parlor sa Calinan, Davao. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga Pulis.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Photo courtesy: Real Omblero Sorroche
Photo courtesy: Real Omblero Sorroche