Bahagi ng kampanya ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang Kapatid Na Eduardo V. Manalo ang Fight Against Poverty ang pagtulong sa mga mahihirap na pilipino at masugpo ang kahirapan sa bansa. Sa pakikipag tulungan ng Felix Y Manalo Foundation isang medikal at dental mission ang isinagawa sa Capitol, Quezon City.
Ayon kay Dr. Salvador Corpuz, Coordinator ng medical at dental mission, dalawangdaang medical staff ang nakipag tulungan mula sa New Era Hospital at ilang volunteer groups na kinabibilangan ng mga doktor, dentista, nurses at paramedics.
Nakapaloob sa medical at dental mission ang pagbibigay ng mga libreng gamot, libreng laboratory test- kabilang na ang libreng blood at urine examination, pregnancy test, ultrasound para sa mga buntis, chest x-ray, ECG at circumcision o libreng tuli.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong medikal at dental, libo-libong katao ang natulungan.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga kababayan natin sa mga libreng serbisyong handog ng INC.
Bukod sa mga ipinagkaloob na tulong may inihandog ding musical performances ang INC.