(Eagle News) — Pinalaya na ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang Filipino-Chinese sa Zamboanga City na dinukot ng naturang grupo noong Marso.
Kinilala ng militar ang biktima na si Rian Tan Nuñez, 21.
Matatandaang dinukot si Nuñez at ang lolo nitong si Antonio Tan, isang negosyante, sa Lapuyan Zamboanga del Sur noong Marso 23 sa pangunguna ng ASG sub-leader na si Alhabsy Misaya.
Napag-alamang dinala sa Sulu ang mga biktima ngunit nagkahiwalay at hindi na nagkita hanggang makalaya si Nuñez.
Samantala, nananatili pa rin sa kampo ng ASG si Tan, maging ang ilan pang hostages ng rebeldeng grupo na gaya ng Canadian na si Robert Hall, Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, at Pilipinang si Marites Flor.