ZAMBOANGA Sibugay, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng final briefing ang Board of Election inspectors sa Ipil, Zamboanga Sibugay bilang preparasyon para sa nalalapit na May 2016 elections.
Mahigit sa 800 Board of Election Inspectors ang dumalo sa nasabing aktibidad na pinagunahan ng Commission On Elections (Comelec) at dinaluhan ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Philippines (PNP).
Sa aktibidad na ito ay ipinaliwanag ni Police Supt. Kenneth Mission, hepe ng bayan ng Ipil, ang pagtatalaga ng mga pulis sa 29 na polling centers ng Ipil para sa nalalapit na eleksyon.
Sinanbi pa niya na magpapakalat sila ng 60 pulis sa mga polling center mula sa araw ng pagsasanay ng mga BEI hanggang sa mismong araw ng halalan. Binigyang-diin din nito na handa na ang buong pwersa ng kapulisan sa nasasakupang bayan. Dagdag pa ni Mission, ilan sa mga posibleng mangyayari ay ambush, pamamaril, panununog ng presinto, at pagkasira ng sasakyan na may dalang vote counting machine o VCM.
Gayunpaman, sinabi ni Mission na nakahanda na ang contingency plan ng kapulisan sakaling maganap ito. Tiniyak din ng opisyal na magiging mapayapa ang eleksyon dahil na rin sa kanilang ipinatutupad na seguridad bukod pa sa walang election hot spot sa bayan ng Ipil.
(Eagle News Pangasinan Correspondent, Jen Alicante)