APRIL 28 — Dalawampug magigiting na estudyante na finalists ng Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) 2015 mula sa tatlong rehiyon at pitong probinsiya ng Central Luzon at mga Alumni mula 2007 hanggang 2014 ang ipinakilala sa ginawang programa na ginanap sa The Plaza Hotel ni Bb. Noorain S. Sabdulla, Program Director ng RFM Corporation.
Ang mga finalists ay mula sa mga kolehiyo ng Pampanga, Bulacan, Tarlac at Bataan. Dalawang representatives mula sa Angeles University Foundation, tatlo sa Holy Angel University, isa na mula naman sa Republic Central Colleges, apat naman mula sa Mabalacat Colleges, dalawang representante ng Bulacan University, dalawa rin mula sa Bulacan State University at ganoon din sa Tarlac State University, habang isa mula sa Bataan Peninsula State University at isa rin sa Limay Polytechnique College, at dalawang repesentante ang nagmula naman sa Maritime Academy of Asia and the Pacific.
Ang Philippine Information Agency (PIA) at iba pang mga malalaking sangay ng gobyerno at private sector ang siyang mamimili sa magiging finalists ng TOSP at sila ay magkakaroon din ng pagkakataon na i-recognize ng Office Of The President sa Malacañang.
(Agila Probinsya Correspondent Josie Martinez, Eagle News Service MRFaith Bonalos)