ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nagsagawa ng Fire Prevention Awareness Seminar ang mga tauhan ng Roxas City Fire Station at Loctugan Fire Substation sa iba’t ibang paaralan sa Capiz. Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa Fire Prevention Month.
Ang pagtungo ng mga bumbero sa Paaralan ay tinawag nilang “Berong Bumbero sa Paaralan.”
Sa kanilang pagbisita ay nag-lecture sila sa mga estudyante maging sa mga guro kung ano ang mga dapat gawin kung sakaling magkaroon ng sunog.
Mahalaga ang ganitong seminars upang malaman ng mag-aaral at mga guro kung papaano makakaiwas sa sunog. Anu-ano ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ng sunog sa Paaralan.
Neal Flores – EBC Correspondent, Capiz