(Eagle News) – Nagpalabas ng flood advisory ang PAG-ASA sa mga lugar na nakapalibot sa Cagayan River Basin. Ayon sa PAG-ASA, sa nakalipas na 24 oras, mahina hanggang moderate na pag-ulan ang nararanasan sa Cagayan. Dahil dito, maari umanong magkaroon ng pagtaas ng water level sa Magat River, Siffu River, Mallig River, Pinacanauan Rivers ng Ilagan, Tumauini, San Pablo at Tuguegarao, Pared River, Dummun River, Zinundungan River, Chico River, Abulug River, at Baua River.
Sa ngayon sinabi ng PAG-ASA na mababa pa ang antas ng tubig sa nabanggit na mga ilog. Pero aasahan umano na magpapatuloy ang light to moderate rains sa lalawigan ngayong maghapon. Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibilidad na pagkakaroon ng flash floods.