Bilang paghahanda sa tag-ulan, ang City Government ng Cabuyao ay naglunsad ng “Flood Mitigation and River Clean-Up Drive”, sa pangunguna ng Cabuyao Environment Resources Office.
Ang aktibidad na ito ay nagsimula noong taong 2009 dahil sa masaklap na karanasan ng mga cabuyeño sa mga nagdaang badya gaya ng bagyong ondoy.
Ang clean-up drive ay isasagawa sa buong siyudad ng Cabuyao, pangunahin sa mga barangay na nasa baybayin ng lawa ng Laguna, kung saan sila ang higit na apektado ng mga pagbaha. (Cabuyao, Laguna)
(Agila Probinsya Correspondent Val Cuaresma, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)