Ibinabala ng International Rice Research Institute (IRRI) na posibleng maulit ang pandaigdigang krisis sa pagkain dahil sa epekto ng El Niño na bahagi lamang anila ng nararanasang climate change sa mundo.
Partikular na tinukoy ng IRRI ang sobrang pagtaas sa presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay nito dulot ng mga tuyong taniman.
Dahil dito, kailangan na anilang kumilos ng iba’t ibang bansa lalo na sa rehiyong Asia-Pacific na pinagmumulan ng bultu-bultong suplay ng pagkain sa mundo.
Matatandaang huling naranasan ng mundo ang krisis sa pagkain noong 2007 at 2008 kung saan halos 300% ang itinaas ng international trading price para sa bigas.