Free medical at dental mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Lopez, Quezon

Free medical at dental mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Lopez, Quezon

Maraming tao ang nakinabang sa isinagawang free medical at dental mission ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Lopez.

Isa sa programa na nakapaloob sa kanilang mga aktibidad bilang paggunita sa ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang distrito na tinatawag na distrito eklesiastiko ng Quezon East mula noong Setyembre 19, 1989 dito sa lalawigan ng Quezon.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang ipadama na ang Iglesia Ni Cristo na patuloy at laging handang dumamay sa mga taong nangangailangan kaanib man o hindi sa Iglesia Ni Cristo. Sa pangunguna ng SSO ay namigay ng libreng mga gamot, katuwang ang mga doctor na ipinadala mula sa kanilang tanggapan ng New Era General Hospital.

(Agila Probinsya Correspondent Allan Aliño)