BALANGA, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Louis Rest, Balanga, Bataan nitong Biyernes, Mayo 26 ang Free Negosyo Seminar. Ito ay may temang “Kapatid, Angat Lahat” sa ilalim ng Mentor Me Program.
Dinaluhan ito ni DTI Region 3 Ms. Judith Angeles, DTI Bataan PD Ms Nelin Cabahug and staff, mga iba’t ibang negosyante sa lalawigan at iba pang bisita.
Mayroong 23 entrepreneurs ang naging mentee beneficiary sa isinagawang Mentor Me Program ng DTI.
Sa programang ito ay mabibigyan sila ng libreng seminars kung paano ang tamang pagpapalakad at pagpapaunlad ng negosyo.
Maghapon ang nasabing seminar kung saan ay tinalakay ang dalawang module. Ang una ay Entrepreneurial Mind Setting and Values Formation. Pangalawa ay Marketing and Market Trends na ibinahagi ni Ms. Sherill Quintana at Ms. Ann Gianinna Ong na pawang PCE Kapatid Mentor.
Sampung modules ang ibabahagi sa mga Batch 1 Bataan Mentees sa mga susunod na araw. Malaking tulong sa mga negosyante sa buong bansa ang ganitong programa ng ahensiya. Nagkaroon din ng maikling press conference sa mga local media.
Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan