Plano ng US Navy na dagdagan ang freedom of navigation operations sa South China Sea.
Itoy dahil sa patuloy na military build-up ng China sa pinagtatalunang mga isla sa lugar.
Kabilang dito ang paglalayag ng US warship mula sa 12 nautical miles ng mga islang inaangkin ng China bilang paraan ng pagsagot sa assertions ng soberenya ng Beijing.
Ayon kay admiral Harry Harris, ang commander ng US pacific command na simula noong oktubre ng nakaraang taon, nagsagawa ang US navy ng dalawang freedom of navigation operations sa South China sea sa pagsasabing mahalaga ang misyon bilang paraan ng pagkatig sa International law.
Nabatid na gumagamit ang China ng mga dredger upang ang mga reef at low lying features ay gawing mas malaking lupain para sa runways at iba pang military uses para mapalakas ang kanilang pag angkin sa soberenya sa rehiyon.