Freedom Rally sa Davao City, dinagsa ng Duterte supporters

(Eagle News) — Dinagsa ng President Rodrigo Duterte supporters ang freedom rally against crime, corruption and illegal drugs na isinagawa sa Rizal Park, San Pedro St. Davao City.

Ang Davao City “Defend Our Freedom” rally ay dinaluhan ng mga taga suporta ni Pangulong Duterte na nagmula pa sa iba’t-ibang rehiyon sa Mindanao.  Ang aktibidad ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta sa programa  ng gobyerno na labanan ang korupsyon, droga at kriminalidad.

Nagsimula ito ng alas tres ang hapon (3:00PM) at natapos ng alas dose ng madaling araw (12:00AM). Naisagawa ang ganitong aktibidad sa pangunguna ng Kilusang Pagbabago Movement at Hugpong Federal sa Davao City

Parte ng aktibidad ang pagsasagawa ng candle lighting at panalangin para sa Pangulo upang maipagpatuloy paraw ang hangarin nitong tunay na pagbabago sa Pilipinas.