PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng isang aktibidad ang kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office noong Linggo, July 9, 2017 na tinawag nilang “FREEDOM RIDE: Kalayaan sa Iligal na Droga.” Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 22nd Police Community Relations Month. Pinangunahan ito ni PCPO Acting Director PSSupt. Ronnie Francis Cariaga.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palakasin ang relasyon ng kapulisan sa mga mamamayan upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bawat komunidad at pagsugpo sa iligal na droga at mga krimen.
Nakiisa rin ang Downhill Enduro Palawan Riders kaya naging masaya ang isinagawang aktibidad. Umaasa rin ang kapulisan na magbubunga ito ng positibong pananaw at pagtulong mula sa mga mamamayan sa lungsod.
Anne Ramos – Eagle News Correspondent, Palawan
Photo courtesy: PPCity Police Office